Keep Australia Beautiful: Nanawagang huwag gumamit ng plastic

A facemask lies on the ground on the Long Walk in Winsor near London.

A face mask lies on the ground on the Long Walk, in Windsor, near London, Tuesday, Aug. 10, 2021. Source: AAP

Limang dekada ng patuloy na isinusulong ng Keep Australia Beautiful sa mga komunidad na ugali-ing bawasan ang kalat, basura at polusyon. Nitong taong 2021, nanawagan sila sa lahat iwasan ang paggamit ng plastic para mapanatili ang maganda at ligtas na kapaligiran.


Highlights
  • Plastic aabutin ng ilang 100 taon bago matunaw at dahilan ito ng polusyon
  • Ayon sa Victoria Environment Protection Authority gamit na face masks, gloves at PPE tinatapon kahit saan, kadalasan palutang-lutang sa dagat
  • Dr. Trevor Thornton mula Deakin Univeristy nagsabing pwedeng itama at baguhin ang maling nakasanayan ng mga mamimili
Umaabot sa 1 milyong toneladang basurang plastic ang tinatapon kada taon dito sa Australia. Karamihan dito ay diposable na plastic container,  baso ,plato, kutsara’t tinidor, mga supot at marami pang iba. Bagay na ikinabahala ng mga eksperto dahil ito ang sanhi ng polusyon sa kapaligiran. Lumabas kasi sa pag-aral na aabutin pa ng  ilang daang taon bago ito matunaw at ito ang dahilan sa polusyon ng dagat, mga ilog, lawa pati mga parke.

At bilang paggunita sa Keep Australia Beautiful Week, inilunsad nito ang paggamit ng mas ligtas na alternatibo para maiwasan ang polusyon. Kaya hinihikayat ngayon ng Keep Australia Beautiful chief executive Val Southam, ang lahat ng mga mamimili na pilian ang mga eco-friendly na mga produkto.

 

" Maraming pwedeng gawin  kahit pa takeaway, dapat gumawa ng wais at tamang na desisyon kasi alam naman natn na hindi narerecycle ang mga plastic na yon so, huwag plastic gamitin," kwento ni Ms. Southam

Ayon sa Victoria Environment Protection Authority  dahil sa pandemya marami ng mga gamit na masks, gloves at  protective gears ang itinatapon sa buong mundo. At di maitatago may mga itinapon kahit saan bagay na ikinabahala ng marami. Sabi ng mga eksperto bagama't mababa ang posibilidad na kumalat ang virus mula sa mga tinapong gamit na mga personal protective gears, mas mainam pa din na itapon ito sa tamang lugar.  Pero ang mas ikinabahala ng mga eksperto ngayon ang maraming palutang lutang na face mask sa dagat at ang iba ay itinapon lang sa daan. Ayon  kay Trevor Thornton mula sa Deakin University, na nagtuturo ng  hazards material management, pwedeng baguhin ang nakasanayan ng ugali ng mga mamimili, para mabawasan ang itatapong basura.

"Walang rason ang mga tao, halimbawa magdala ng cup o mug kapag bumuli ng kape, pwede naman yon kausapain lang yong may-ari ng Cafe, at ipakita na malinis yong dalang mug, para iwas peligro. Dapat lang kasi ma-educate," sabi ni Dr. Thornton.

Bagay na sinang-ayunan ni Ms Southam, dahil ang mga pagbabago ay di magtatagal  magiging kaugalian na ito.

" mahirap kasi dahil yong reusable coffee cups hindi naman ginagamit  ulit ng mga tao, pwede naman kasi gawin yon, hindi yong tapon lang ng tapon," dagdag ng  Chief Executive.

Dagdag ni Dr Thornton, dapat bigyan ng sapat na kaalaman  mga residente kung ano pwede nilang gawin para makatulong na mabawasan ang basura,  alin ang narerecyle o nagagamit muli at kung ano ang hindi. Lalo  na may tamang  binibigay ang gobyerno na materyal gaya ng tamang basurahan, para makikita  agad ang resulta.

"Minsan nakaklito din hindi na alam ng mga tao ang kanilang gawin, dapat kasi turuan kung ano ang nararapat sa mga pagbabago na gagawin, " dagdag pa nito.

Dito sa Australia ayon sa World Wildlife Fund for Nature,  ang Western  Australia ang  mas aktibo para makatulong mabawasan ang problema sa  basura at polusyon,  dahil bawal na ang disposable plastic plates, baso , kutsara' at maraming pang iba. Inaasahang sa susunod na taon bawal na din ang platic cups pati ang takip nito. Kasunod ng  Western Australia ang Queensland at pangatlo ang Australian Capital Territory  (ACT)  gumagawa ng kongkretong hakbang para i-ban ang  paggamit nga disposable platics.

Ang Keep Australia Beautiful Week ay ginugunita   hanggang  Agosto 22.

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Keep Australia Beautiful: Nanawagang huwag gumamit ng plastic | SBS Filipino