Pakinggan natin ang dalawang Filipino international student at mga iskolar na kasalukuyang nasa shared accommodation habang ibinahagi nila ang kanilang mga ’di magandang karanasan at mga hamon ng paninirahan kasama ng ibang tao na unang pagkakataon pa lamang nilang makilala.
Ibinahagi ni Josephine 'Jojo' Ramirez na kinailangan nilang isangkot ang pulisya upang maayos ang naging mainitang sagutan sa pagitan ng kanyang mga dating kasama sa bahay na nauwi sa pisikal na pagtatalo. Ang pangyayaring ito ay naging isang aral para sa Master of Commerce student na tunay nga na ang "paggalang sa personal na espasyo ng isang tao ay napakahalaga pagdating sa paninirahan sa shared accommodation."
Mayroon ding hindi magandang karanasan ang mag-aaral ng Master of Education na si Carlo Fernando sa kanyang mga dating kasama sa bahay tulad ng ilang pagkakataon na hindi maayos na pakikitungo ng mga ito sa kanyang mga bisitang kaklase.
Naging hindi makakalimutang hamon man para kina Jojo Ramirez at Carlo Fernando ang ’di mahusay na ugali ng kanilang mga dating kasama sa bahay lalo na’t magkakaiba ang kanilang mga pinagmulang kultura at paniniwala, sa kinalaunan naging maayos naman na ang paninirahan ng dalawa kasama ng kanilang mga kasalukuyang bagong kasama sa bahay at malaki pa rin ang pakinabang ng shared accommodation para sa kanila lalo na pagdating sa mga bayarin sa bahay at gastusin.

Jojo Ramirez (middle) and Carlo Fernando (right) with their other housemates (Supplied by C. Fernando) Source: Supplied by C. Fernando
Payo ng dalawa na pinakamahusay na laging tandaan na sa paninirahan sa isang shared accommodation, isa-alang-alang ang pakiramdam at saloobin ng mga kasama sa bahay, igalang ang bawat isa at mahalagang alamin din ang inyong mga limitasyon at alagaan ang iyong sarili.

Filipino international students and scholars Jojo Ramirez and Carlo Fernando (SBS Filipino) Source: SBS Filipino