Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Pagbabago ng kuwento sa pamamagitan ng pelikula at sining

 Amadeo Marquez-Perez

Amadeo Marquez-Perez Source: J. Atienza

Pagtaguyod sa daybersidad at talakayan sa hanay ng iba't ibang kultural na grupo sa Australya ay mga paulit-ulit na tema sa mga gawa ni Amadeo Marquez-Perez. Larawan: Amadeo Marquez-Perez (J. Atienza)


Si Amadeo ay isang organiser ng mga pista ng pelikula, producer at criminologist. Kasama siyang nagtatag at bumuo ng Asian Australian Film Forum and Network (AAFFN). Ang AAFFN ay isang network para sa mga Asyano-Australyano na mga alagad ng sining, gumagawa ng mga pelikula at iba pang sining na layuning dagdagan ang representasyon sa sektor ng malikhain.

 

Ayon kay Amadeo, ang iba't ibang karakter at malawak na mga kuwento ay may posibilidad na gawing simple sa pagku-kuwento ng mga pangunahing gumagawa ng sining o mainstream, "ang pagkakakilanlan ay isang napaka-komplikadong na isyu na hindi kinakailangan na nasasaliksik sa maintsream [...] dapat na magkaroon ng higit na pag-uusap.

 

Nagbigay ng payo si Amadeo sa mga nagnanais na maging artist, filmmaker at iba pang malikhaing gawa, na sabihin ang sarili nilang kuwento, lalo na "kung sa inyong palagay kayo ay hindi nire-representa". Kasama sa mahabang listahan ng kredensyal, itinatag ni Amadeo ang 15/15 Film Festival, bahagi ng Bayside Film Festival at nakagawa o kasamang gumawa ng mahigit 200 pelikula.

 


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now