Ang konsyerto na "Love and Care" ay isang pang-kawanggawang pagtatanghal na magtatampok ng tatlong Pilipinong mang-aawit na nakabase sa Melbourne nitong ika-10 ng Pebrero sa pakikipagtulungan sa CARE Builders.
Ang malilikom na pondo ay ibibigay bilang pinansiyal na tulong sa tatlong Pilipino na may iba't ibang karamdaman (stage 3a invasive lobular breast cancer, nasopharyngeal cancer at isang sanggol na may isang pambihirang genetic disorder).
Sa isang panayam, ibinahagi ni Lora Love at ng managing director ng CARE Builders Group, na si John Rodriguez ang iba pang detalye.



