Key Points
- Itinutulak ng Australian Council of Trade Unions ang 7 % na pagtaas sa minimum na sahod para sa mga empleyado na tumatanggap ng pinakamababang sahod.
- Ginawa ng peak union body ang rekomendasyon sa isang submisyon sa national minimum wage review ng Fair Work Commission bago ang desisyon sa darating na Hunyo.
- Maghahain din ang Australian Chamber of Commerce and Industry ng kanilang submisyon para sa taunang review sa sahod. Hiling nito ang mas moderate na pagtaas na 3.5 percent sa minimum na sahod, at 0.5 % na pagtaas sa Superannuation Guarantee.
Sinusuportahan ni Treasurer Jim Chalmers ang pagtaas ng sahod pero hindi ito nagbigay ng eksaktong antas ng pagtaas,
at may ilan din na nagsasabi na ang pagtaas ng minimum na sahod ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon.