Si Bernadette Romulo ay isang Pilipina, isang temporary resident ng Australya, at ina ng tatlong anak. Siya ay may dalawang anak na babae na parehong ipinanganak sa Pilipinas, at isang walong taong gulang na anak na lalaki na ipinanganak sa Australya.
Siya ay siyam na taon nang naninirahan sa Australya subalit ngayon napagbabantaan na pabalikin sa Pilipinas kasama ang kanyang mga anak na babae. Sa puntong ito, umaasa siya na marinig ang kanilang apela para sa isang Ministerial Intervention at pahintulutan silang manatili sa Australya at alagaan ang kanyang anak na lalaki na isang mamamayang Australyano.
Ito ang kanyang salaysay.
Share





