Watch FIFA World Cup 2026™

LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Sinovac COVID-19 Vaccine dumating na sa Cebu at Davao City

Sinovac Vaccine in the Philippines

12,000 vials ng Sinovac coronavirus vaccine ang dinala na sa Center for Health Development sa Davao habang 7,200 doses naman ang natanggap ng Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.


Published

Updated

By Via Castillo

Source: SBS


Share this with family and friends


12,000 vials ng Sinovac coronavirus vaccine ang dinala na sa Center for Health Development sa Davao habang 7,200 doses naman ang natanggap ng Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.


Highlights

  • Negative RT-PCR result, kailangan pa rin para sa mga nais pumasok sa Zamboanga city
  • Probinsya ng Surigao del Sur, nakatanggap na ng ayuda mula sa pamahalaan
  • Bangsamoro Women Commission, naghahanda na para sa National Women’s Month activities sa susunod na linggo

Ayon sa Officer in charge ng Southern Philippines Medical Center na si Dr Ricardo Audan, ngayong Biyernes sisimulan ang pagbabakuna para sa mga frontline health workers.

At upang mas mahikayat ang mga frontliners na magpabakuna, mauuna raw sa vaccination roll-out si Audan—ito’y kahit pa man daw siya’y may hypertension.

Sa isang interview, sinabi ni Audan na nasa 80 porsyento ng empleyado ng SMPC ang nag-sign up para sa vaccination.


 

 

Sinabi naman ni Dr Ashley Lopez ng Davao City Health Office na nasa 16, 677 na health workers, 77,185 senior citizen at 5,258 security personnel ang kabilang sa vaccination priority list ng local government unit.

Target umano ng Davao City LGU na mapabakunahan ngayong taon ang nasa mahigit isang milyong residente nito.

Samantala, mananatili raw ang Davao City sa General Community Quarantine status—base sa pinakahuling anunsyo ng Inter Agency Task Force for COVID-19—ito’y kahit pa man patuloy ang pagbaba ng kaso ng virus sa syudad.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health Davao Region, nasa mahigit walong daan na ang active cases sa Davao city—11, 640 na ang gumaling samantalang 635 na ang nasawi.


Latest podcast episodes

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now