Ayon sa pamahalaan, layunin ng mga pagbabago sa negative gearing at capital gains tax na gawing mas abot-kaya ang pabahay para sa nakababatang henerasyon. Ngunit ayon sa ilang eksperto, maaari rin itong makaapekto sa mga Australians na nagsisikap magkaroon ng sariling ari-arian at makapag-ipon ng yaman.
Key Points
- Habang may ilang naniniwalang makatutulong ang mga reporma sa negative gearing at capital gains tax na inanunsyo sa 2026 federal budget upang mapababa ang sobrang taas ng presyo ng bahay at investor demand, may iba namang nangangambang lalo nitong pahihirapan ang kanilang pagpasok sa property market.
- Sa ilalim ng mga reporma, ang tax benefit ay ilalaan lamang sa mga bagong tayong bahay, habang mananatili naman ang kasalukuyang benepisyo ng mga existing investors sa pamamagitan ng grandfathering provisions.
- Ayon sa mga eksperto, posibleng maipit sa gitna ng mga pagbabagong ito ang mga renter at batang investors.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




