Slapshock yayanigin ang Australya sa unang pagkakataon

Slapshock

Slapshock (L-R: Lean Ansing, Chi Evora, Jamir Garcia, Lee adela and Jerry Basco) Source: SBS Filipino/A.Violata

Ang pinakamatagal nang umiiral na heavy metal rock band sa Pilipinas na Slapshock ay yayanigin ang Australya sa unang pagkakataon ngayong linggong ito.


Sa ilang serye ng pagtatanghal,titipunin ng Slapshock ang mga taga-hanga ng heavy metal rock sa Sydney, Melbourne at Brisbane.

Lumitaw ang Slapshock sa panahon na namamayagpag ang rap-metal sa USA at sa Pilipinas, naging pangunahin para sa kilusan ng nabanggit na uri ng musika at responsable para sa paglago nito sa Pilipinas.
Slapshock
Slapshock in Sydney (SBS Filipino/A.Violata) Source: SBS Filipino/A.Violata
Naabot ng banda ang isang natatanging tagumpay sa kanilang karera sa kanilang pagdiriwang ng kanilang ika-21 taong anibersaryo ngayong taong ito.

Nakapanayam natin ang banda na binubuo nila Jamir Garcia - lead vocals, Lee Nadela - bass guitar, Lean Ansing - lead guitar, Chi Evora sa drums at Jerry Basco - rhythm guitar / backup vocals bago ang kanilang unang palabas sa Sydney.

Para sa buong bideyo ng panayam, magtungo sa  link sa ilalim:




Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand