Sa bisperas ng ika-32 anibersaryo ng pag-aalsa sa EDSA, isang kilos-protesta aay nakatakdang ganapin sa harap ng Philippine Consulate sa Sydney, laban sa Charter Change, plano ni Pangulong Duterte ng Pilipinas na pahabain ang kanyang termino at iba pang diumano'y uri ng paghihigpit.
Ang Movement Against Tyranny (MAT) Australia, isang alyansa ng mga grupo at indibidwal na naglalayong pag-isahin ang lahat ng mga Pilipino at mga taong laban sa paniniil at mga taong mapagmahal sa kalayaan at para sa mga karapatang pantao, ang siyang mangunguna sa pagkilos.
Idinetalye ni Roselle Pineda, isa sa mga nanguna para sa pagtitipon, ang mga dahilan sa likod ng protestang ito.





