Inanunsiyo na mula 11:59 pm ng Miyerkules, may mga mga mahigpit na restrictions para sa hindi inaasahang COVID-19 outbreak sa South Australia.
Ani Premier Steven Marshall, mahalaga ang kaagarang pagkilos.
"You don't get a second chance to stop the second wave. So we're throwing absolutely everything at this. We know that Victoria was in lockdown, substantial lockdown for 112 days. We want to have six days - this circuit breaker - so we don't have much more pain down the track."
Highlights
- Sasailalim sa anim na araw na lockdown ang South Australia
- Sarado ang mga non-essential business at may ilang dahilan lamang upang lumabas
- Mga tao nag-panic buying
Pagbabawalan o hindi maaring umalis sa kanilang mga tahanan ng anim na araw ang mga tao at ipinagbabawal din ang ehersisyo.
May karagdagang walong araw na restriction ang nakatiyak na isusunod na ipapalakad kasunod ng unang anim na araw na lock-down.
Sa kabila ng babala ng gobyerno laban sa panic buying, sumugod ang mga tao sa mga supermarket noong Miyerkules upang mag-stock ng mga esssential items.