Balik sigla ang turismo sa South Australia

 Adelaide skyline. (AAP Image/South Australian Tourism) NO ARCHIVING, EDITORIAL USE ONLY

An undated supplied image of the Adelaide skyline. (AAP Image/South Australian Tourism) NO ARCHIVING, EDITORIAL USE ONLY Source: South Australia Tourism

Tanda ng pagsigla ng industriya ng turismo sa estado, muling nagbukas ang ilang hotel at nagdagdag ng mga byahe ang ilang airlines sa South Australia, at bilang karagdagang suporta sa turismo inilunsad din ang Great State vouchers.


Highlights
  • Magdadagdag na rin ng mga flights ang mga airlines
  • Inilunsad ng estado ang Great State vouchers
  • Nagbukas na muli ang ilang mga hotel sa estado
Nagbukas na muli ng operasyon ng ilang hotel sa South Australia pagkaraang ito ay pansamantalang nagsara noong Abril sanhi ng pandemya. 

Tanda ng pagsigla ng industriya ng turismo sa estado, ang mga airlines ay magdadagdag ng mga iskedyul ng pagpapalipad ng biyahe palabas at papasok sa estado.

Dahil dito magkakaroon din ng mga karagdagang mahalagang trabaho sa estado.

 

 

Ayon kay Premier Marshall, dumagsa ang trapiko ng paglalakbay sa estado mula nitong nakaraang linggo at ito ay noong binuksan ng estado ang border nito sa NSW.

Inilunsad din ang inisyatibong Great State Voucher nitong linggong ito bilang karagdagang suporta sa industriyang turismo sa estado.

Ang mga maigagawad na benepisyo ng nasabing voucher ay: diskuwento na $100 sa pagtira sa siyudad ng Adelaide at $50 sa rehiyonal at suburban Adelaide.

Ang voucher ay available simula Huwebes 15 ng Oktubre hanggang katapusan ng buwan at ito ay balido mula Huwebes hanggang ika 11 ng Disyembre.






 

 

 

 

 

 





Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand