Highlights
- Isang OFW, namatay sa loob ng isang COVID-19 facility sa Lapu-Lapu City
- Davao City, muling ipatutupad ang 'no RT PCR test, no travel' to Davao airport
- Spanish Navy Training Ship Juan Sebastian Elcano dumalo sa commemoration ng pagdating ng Armada de Maluco (a.k.a., Magellan-Elcano expedition)
Isang welcome ceremony ang isinagawa sa Cebu kung saan mismong si Cebu city Mayor Edgardo labella, vice mayor Micheal Rama, at iba pang mga opisyal ng LGU at Office of the Presidential Assistant for the Visayas ang dumalo.
Ayon kay undersecretary Jonji Gonzales, ang quincentennial commemoration ay isang platform upang malaman ng mga Pilipino ang mayamang kasaysayan ng pre-hispanic at pre-colonial history.
Para naman kay Labella, ang pagdating ng nasabing barko ay tila isang pagbuhay sa pagdating ni Ferdinand Magellan limang daang taon na ang nakalilipas—isa rin umano itong paalala sa mga Cebuanos kung gaano kalalim ang kanilang pananampalataya sa Senior Santo Nino.
Unang ibinaba ng Elcano ang kanilang angkla sa Guian Eastern Samar noong March 16.



