Ayon sa alkalde ng Fairfield na si Frank Carbone, mahalaga ang naging kontribusyon ng mga migrante sa Australya. At sinabi niya na ang pagbabahagi ng kulturang Pilipino sa Australya ay isang bagay na dapat ipagmalaki ng mga migranteng Pilipino.
“The ingredients that [Filipinos] have brought to this country and to this city, your value of family, your value for faith, and your willingness for hard work to build a better future for your family should be applauded.”
Sinang-ayunan naman ito ni Acting Minister for Multiculturalism Geoff Lee at kinilala din nito ang pakikiisa ng komunidad Pilipino sa mga ganitong klaseng selebrasyon.
Pinasalamatan din ni Ginoong Lee ang mga nangangasiwa sa nasabing kaganapan at inaasahan pa niya ang mga proyekto na ihahanda ng grupo na magbubuklod sa dalawang bansa, na magbibigay importansya sa mga katutubo.
“We must recognise our great indigenous cultures, celebrate them, and be proud of what we have.”
“I congratulate the Australian-Filipino community for such a wonderful contribution to modern Australia, which is an example to the rest of the world.”
Ayon naman kay Stephen Bali, Miyembro ng Parliamento, dapat ding kilalanin ang patuloy na pag-unlad ng komunidad Pilipino sa Australya.
“We have 200,000 Filipinos in Australia, 120,000 in NSW, 2,000 in Fairfield, and I gotta say, we have 40,000 in Blacktown. How wonderful is that?”
Sa pagbabalik-tanaw niya sa kanyang sariling kwento, binigyang-pansin ni Ginoong Bali kung paanong nabago ang Australya sa paglipas ng panahon.
“The change is for the better-for having all the wonderful cultural input. Thank you very much for what you have done for Australia, what you have done for the City of Blacktown and Western Sydney.”
Sa pagtatapos ng mga talumpati, nagpasalamat naman ang Lider ng Oposisyon na si Jodi McKay sa mga lider ng komunidad at mga boluntaryo na nag-ambag ng kanilang panahon para sa kaganapan.
“An event like this does not happen without a true commitment. It also did not happen without a deep passion for our Filipino community.”



