Highlights
- Ayon kay Fr. Litoy Asis, para sa mga naniniwala kay Kristo, napakahalaga ng Semana Santa dahil ang muling pagkabuhay ni Hesus na siyang pagkakaligtas natin sa ating mga kasalanan ay ang sentro ng pananampalataya.
- Naging malaking hamon din anya sa simbahan ang pandemya ngunit ito anya nagbigay ng oportunidad sa mga tao ang pagninilay at pagdadasal sa ating mga sarili.
- Tatlong sandigan ng Semana Santa ay ang pagdadasal, pag-aayuno at pagbibigay ng limos o tulong upang maiugnay natin ang sarili kung paano nagsakripisyo si Hesus para sa iba.
“Ang muling pagkabuhay ni Hesus ang sentro ng pananampalataya. Napagtagumpayan niya ang paghihirap sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay parang ganito ang ating buhay napagtagumpayan natin ang hirap. Cycle yan ng ating buhay. Sa bawat paghihirap natin ay may ginhawang dadating. Ang mensahe ay huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ang Easter is call for hope, ang muling pagkabuhay ni Hesus ay isang pag-asa sa ating lahat” Ito ang naging mensahe ni Fr Joselito ‘Litoy’ Asis, Chaplain to the Filipino Catholics in Melbourne ngayong Semana Santa.
Pakinggan ang audio: