Sa Shepparton, siyudad sa Victoria, isang Filipino food business ang unti-unting ipinapakilala ang pagkaing Pinoy hindi lamang sa mga kababayan kung hindi pati sa mga Australyano at iba pang komunidad — ito ang Flor's Lutong Bahay.
Key Points
- Ikinuwento ni Flora Ortillano ang kanyang tinahak sa Australia matapos ang kanyang pag-aaral sa Melbourne at ang kanyang paglipat patungo sa permanenteng paninirahan sa Shepparton.
- Habang nagtatrabaho bilang cook sa aged care, ipinagpapatuloy ni Flor ang kanyang Filipino food truck business na Flor's Lutong Bahay.
- Sa pamamagitan ng kanyang pagkain, ipinapakilala ni Flor ang lutong Pilipino hindi lamang sa mga kababayan kundi pati na rin sa mas malawak na komunidad sa Shepparton.
- Ang Shepparton ay isang lungsod sa rehiyon ng Goulburn Valley sa Victoria, Australia, na kilala bilang sentro ng agrikultura, lalo na sa produksyon ng prutas, at tahanan ng iba’t ibang komunidad kabilang ang lumalaking populasyon ng mga Pilipino.
It is my passion. Gustung-gusto ko talaga ang pagluluto. Tinatanong nila kung ano ang sikreto ko sa pagluluto, at ang sinasabi ko, ‘Cook with love.’ Kaya lalo akong napamahal sa pagluluto. Masaya ako na bumabalik-balik sila at nakakatulong ako sa mga taong laging nagtatrabaho.Flora Ortillano, Filipino cook in Shepparton, owner Flor's Lutong Bahay
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Share




