"Sydney live music scene, back in the late 90's, was thriving, it still is, but it's different. There was a lot of venues, talagang busy. There's bands all the time, lots of bands playing everywhere," ang paglarawan ng Filipino-Aussie singer-songwriter Bryan Estepa sa kung paano ang kalagayan ng live music sa Sydney nang siya ay nagsisimula pa lamang sa kanyang karera.
Sinimulan niya ang kanyang karera sa Sydney, at mahigit dalawampung taon na sa pag-awit at paggawa ng musika, nasaksihan ni Estepa kung paano nagbago ang mga bagay at kung ano ang kaibahan ngayon kung saan sinuman ay maaaring simulan ang kanyang karera sa musika sa isang click lamang sa online. Maraming plataporma na maaaring magamit upang i-upload ang iyong musika at maaaring mapakinggan ito ng mga tao sa ibang bansa.
Habang ang baguhan sa musika, ang mang-aawit na si Krisha Umali ay nagsisimula pa lamang sa kanyang paglalakbay sa mundo ng musika kasama ng kanyang grupong The Elevator District. "We're loving it, we're having such a good time, playing a few shows around university and also around different venues in Sydney."
Sumang-ayon ang dalawa na hindi mahalaga kung nasaan ka sa iyong karera sa musika - datihan man o baguhan - may mga hamon na dapat mong harapin. Ngunit hangga't mahal mo ang ginagawa mo, pipilitin mong abutin ang pangarap mong musika at ibabahagi ito sa iba.
Ibinahagi nila sa atin ang kaloob na musika sa kanila tampok ang isa sa awitin ng Filipino rock band na Orange at Lemons na "This Angel has Flown." Ang Orange at Lemons ay lilibot sa Australia sa unang pagkakataon nitong darating na Oktubre.
Panoorin ang pag-awit ni Bryan at Krisha sa video na ito: