At habang nagsasaya ang mga taga-suporta ng tinatawag na "Brexit", ang resulta ay nakakuha ng kawalang-paniwala at pangamba sa maraming bahagi ng mundo, at ng marami sa mismong UK.
Lumilitaw ngayon ang tanong kung ano na ngayon ang mangyayari ukol sa maraming aspeto ng ugnayang pulitikal at pinansyal - at ang boto na pag-alis sa EU ay mayroon ng unang biktima, sa pag-anunsyo ng Punung Ministro ng Britanya David Cameron na pagbibitiw sa tungkulin sa huling bahagi ng taong ito.