Ngayong araw ng Biyernes, muling aabot sa mahigit na apat na pung digri selsyus ang temperatura sa maraming lugar sa New South Wales. Hindi maiiwasan na mabahala ang maraming tao, sa gagawin nilang pag-iwas sa napaka-init na panahon, dahil napaka-mahal gumamit ng air-conditioners kung ito ay tatakbo ng maghapo't magdamag. Larawan: Swimming Pool sa tabing dagat. (AAP)
Kinausap namin ang isang opisyal ng Safeworks New South Wales, upang alamin kung ano ang maari pang gawin, upang makatagpos sa napaka-init na panahon ngayon, personal o ng mga negosyo.
Ilang mga tip para sa kaligtasan sa patatrabaho sa kainitan
- maglaan ng akses sa tubig inumin, di bababa sa 200ml bawat 15-20 minuto.
- huwag uminom ng energy o caffeinated drink dahil ito ay nakapag-papa-ihi
- tiyakain na ang mag-suot ng proteksiyon sa araw sa lahat ng mga pagta-trabaho sa kalagitnaan ng araw dahil ikaw ay mahaharap sa UV radiation
- iwasan ang tuloy-tuloy na trabaho upang di masunog sa araw at mapagod nang husto
- magsuot ng damit na may UPF 50+ rating tulad ng maluwag na damit na long sleeves, may kuwelyo at pantalon
- may lagay ng sunscreen na SPF 30+, malaking sumbrero at sunglasse na nakakamit ang Australian Standards for UV protection
Share


