Paglipat ng karera: Panindigan ang napili

Edinel Magtibay

Edinel Magtibay Source: SBS Filipino

Palaging may pagpipilian sa lahat ng bagay na ginagawa natin, at sa anumang mapiling gawin marapat na panindigan ito.


Maaaring ito ay tila karaniwan na, ngunit ito ang sinusubukang gawin ng dating news reporter na naging isang segment producer matapos magpasiya na iwanan ang tugatog ng kanyang karera sa pagsasahimpapawid sa Pilipinas at lumipad patungong Australya upang mag-aral ng pagluluto.

Isa ito sa mga pinakamahirap na desisyon para kay Edinel Magtibay, na sa loob ng maraming taon ay nagtrabaho sa isa sa pinakamalaking network ng telebisyon sa Pilipinas, na iwan ang kaginhawahan ng sariling bansa at harapin ang mga hamon sa buhay sa banyagang bansa upang sumubok na ibang karera.

Naniniwala si Magtibay na sa sandaling nagpasya kang gumawa ng isang bagay, ang pagtatakda ng iyong mga layunin at ang pagkakaroon ng tamang pag-iisip ay mahalaga upang magtagumpay.

"Anuman ang mapili mo, ang mahalaga ipinagdasal mo ito, may guidance ni Lord at kaya nating panindigan," pahayag niya.
Edinel Magtibay
Edinel Magtibay in one of her early news-gatherings in the Philippines. (Facebook) Source: Facebook

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand