Kahit na may mahusay na suporta siya mula sa kanyang mga kaibigan nang siya ay lumantad, ilang taon pa lamang ang nakalipas nang kausapin at aminin ng Program Guide Editor ng SBS Publicity sa kanyang mga magulang na siya ay isang gay.
"Growing up as a queer Filipino and in a religious home, the messages were a little confusing for me and a lot of times when I was younger I felt sort of conflicted - on one end the Church doesn't support gay people and on the other, my mum has lots of friends, say particular in the salon where she would have gay friends there," ang pagsiwalat ni Mark Mariano.
Ngunit nang siya ay lumaki at naitatag ang kanyang pagkakakilanlan at tinanggap na ang pagiging naiiba at isang Pilipino ay siyang bumubuo sa kanya, naging napakadali para sa kanya na mabuhay sa katotohanan at ipaalam sa kanyang mga magulang at hayaan siya na mabuhay sa kanyang katotohanan habang hinahayaan sila na magkaroon ng kanilang opinyon.

Mark Mariano (SBS Filipino) Source: SBS Filipino