Iniulat ni Kotsakis na higit sa dalawampung libo na ang ‘extrajudicial killings’ sa bansa, sa loob lamang ng dalawang taon at anim na buwang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ang bilang na ito ay lumampas na sa naitalang bilang ng mga napatay noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Binigyang-puna ng nag-aadbokasiya sa karapatang-pantao ang pamahalaan ng Australya sa paghahatid nito ng militar na tulong sa bansa na kinabibilangan ng pagpapadala ng mga pangmilitar na ‘personnel’, pangmilitar na pinansyal na tulong at mga ‘drones’.
“If the alleged perpetrator of the human rights violation is the Philippine government and its military and a certain government like Australia is supporting the Philippine military, [the Australian government] is not only condoning the human rights violation, it’s also supporting it,” ayon kay Kotsakis.
Lumabas ang pahayag ni Kotsakis matapos ng pagpapaalis kay Sr Patricia Fox sa Pilipinas. Siya ay nagbalik sa Melbourne noong ika-apat ng Nobyembre at nakatanggap ng ‘hero’s welcome’ mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga organisasyon at samahan para sa pagkakaisa.

Philippine President Rodrigo Duterte holds an Israeli-made Galil rifle in suburban Quezon city northeast of Manila, Philippines. Source: AAP
Hinikayat ng Katolikong madre ang pamahalaan ng Australya na mas kumilos pa at maging responsable sa mga kaganapan sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay nagpapahinga si Sr Patricia Fox kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan.

Australian nun Sister Patricia Fox is surrounded by supporters and media as she leaves the Philippines. Source: AAP