Pakinggan ang audio
Napapalibutan ng tubig ang Australia, matatagpuan ito sa pagitan ng Indian Ocean sa kanluran at South pacific Ocean sa silangan.
Masisilayan naman ang higit 10,000 dalampasigan sa kahabaan ng baybayin nito, at higit 8,200 ang mga nabuong mga isla sa baybayin lahat sila ay may natatanging ganda.Kaya di maitatangi lahat ng dumarayo dito ay nabibighani sa kakaiba nitong ganda.
Highlights
- Halos nalibot na ni Maureen Roco ang magandang karagatan sa Australia dahil sa pagkahilig nito sa dagat.
- Nangyari ang unang date ng mag-asawang Zanti at Jim Koek sa may dagat sa Gold Coast.
- Marriage proposal ng asawa ni Kristel Gildersleeve na si Matthew ay nangyari sa El Nido Palawan at ang unang date nito ay isang beach sa Queensland.

Relaxing in Apollo Bay in Victoria. Source: Maureen Roco
Ang maaliwalas na karagatan ay nakakatulong para sa ikagagaling ng karamdaman
Pebrero taong 2020 na-diagnosed ng stage 3 breast cancer ang dalagang si Maureen Roco na isang student visa holder pa noon sa Victoria. Sumailalim ito sa walong buwang matinding gamutan hanggang Oktubre ng nasabing taon din dineklara ng mga doktor na cancer-free na sya.
Inamin nito, matindi ang epekto sa kanyang mental health ang kanyang sakit kaya nung natapos na ang gamutan pinagbigyan ang sarili na mag-relax para tuluyang gumaling.
“It is a very beautiful place, Apollo Bay in Great Ocean Road, it is so peaceful, it gives me complete healing.”
At itinuring na kasama sa kanyang tuluyang paggaling ang magandang epekto ng karagatan sa kanyang personal na buhay.
“I really love the beaches, I booked to stay in Apollo Bay. it's like a retreat. Behind the accommodation is a hill and there are ponies, very nice it's surreal. Doon ako nag-healing.
I found peace within myself dun sa pinagdaanan ko and when I went, calmness ang naramdaman ko at because happy ako, i did it again.”
Sa pagbabalik-tanaw ni Maureen, hindi nya akalaing tatamaan sya ng sakit lalo’t ni minsan hindi ito na-ospital.
Dagdag pahirap pa sa kanyang kondisyon noon ng ma-diagnose na may cancer. Nagkataon pa na may pandemya at lahat ng kanyang pamilya ay nasa pilipinas, buti na lang nakahanap sya ng pamilya sa kanyang mga kaibigan.
“It was difficult, kasi wala akong pamilya dito. So when I was diagnosed, naka-student visa lang ako."
May ipon ako pero wala akong moral support. Pero sabi ng pamilya ko I have better chance of surviving here."
Inamin nito kapag mahina ang loob para labanan ang sakit at ang matinding gamutan, siguradong matatalo sa laban.
Kaya payo nito sa mga hanggang ngayon patuloy pang lumalaban sa cancer.
“Just hang in there. Every day that you're alive is a blessing. I know it’s a struggle but the fact that you're alive the next day is a big deal."
I understand that I think that if you keep your faith together and just make the most out of the day with your family and with your loved ones, you will be okay.”
Halos dalawang taon ng cancer free si Maureen, masaya ito at katuwang nya sa pagtupad ng kanyang mga pangarap ang kanyang bagong pag-ibig.

The beaches gave me the feeling of peace, calmness and healing. Source: Maureen Roco
Patuloy naman ang paglilibot ng magsing-irog sa magagandang beaches sa buong bansa para umukit ng masayang alaala na minsa'y muntik ng ninakaw ng karamdaman.
“I'm cancer-free so I'm very happy. I'm living healthy. I changed my lifestyle. I have a partner, I'm full of love."

The marriage proposal of Jim Koek to wife Zanti. Source: Zanti Koek
Ang marriage proposal
“Naiyak ako dahil kasi ito yong parang unang beses na nakita ko na nag-pursue sa akin.”
Hopeless romantic kung ituring ni Zanti Jimenez-Koek ang sarili bago makilala ang asawa nitong si Jim sa Gold Coast, Queensland.
Taong 2015 nag-aral at matapos ang ilang taon ng pagpupursige nakuha din ang permanent resident na inaasam.
Kung masigasig ito sa pag-abot ng kanyang mga pangarap, ganun naman katamlay ang kanyang love life.
Pero taong 2019 hindi nya inaasahang ang kahiligan nya sa pagpunta sa dagat ang isa sa magiging susi para makilala ang asawang si jim sa pamamagitan ng isang dating app.
“ Isang Sabado, pumunta ako sa Gold Coast mula Brisbane ang nakakatawa dahil ang dating app na gamit ko lumabas ang profile nya dahil nakarating ako dun sa lugar nya dun na kami nagsimulang mag-usap."
Kwento ni Zanti unang date nila ay nag-kayaking ang dalawa at dito nya napatunayan na pareho ang kanilang interes sa dagat at nagustuhan ni Zanti ang pagiging simple at adventurous nito.
Hanggang sa nagkapalagayan na sila ng loob na nauwi sa marriage proposal noong Mayo 2021.

Fishing adventure of Jim and Zanti by Ryan Lee Source: Ryan Lee
“Nagpunta kami sa Fingal Head sa New South Wales at nagmamadali sya kasi gusto nya abutan ang sunrise. Nasa taas kami ng cliff sa ibaba may mga dolphins at sa gilid, may mga nangingisda.
Tapos tumingin sya sa akin dun ko nalaman may ring sya sa jacket nya. Akala ko nagbibiro sya, then bigla akong napa-iyak at sabi ko you know what I didn't imagine one day I will get married.
Dahil I'm not into romantic relationship, hindi ako swerte sa pag-ibig, parang isa ako sa mga pinay na teka talaga bang may forever, hopeless romantic, may crush ka pero hindi ka crush.”
November 20, 2021 itinakda ang kasal nila Zanti at jim dito sa Australia.

Wedding of Zanti and Jim Koek in Queensland, Australia. Source: Zanti Koek
“Isa ako sa umaasa na balang araw na dumating ang prince charming at nagkatotoo ito! Pinaka-grateful ao dahil simple lang sya, sakto lang ang buhay namin, napaka-humble at araw-araw nilulutuan nya ako mula pa noon."
Naniniwala si Zanti na si Jim na ang hulog ng langit para sa kanya, gaya na lang ng panalangin ng kanyang mga magulang na sana balang araw may mag-mamahal at mag-aalaga sa kanya, lalo’t nasa malayo ito sa pamilya.
“ Na-appreciate nya ako, naniniwala ako sa kasabihang 'in God’s perfect time' kasi nung dumating sya na-process na yong permanent resident ko. Sobrang blessed ako dahil sya ang kinokonsider kong 'home' dahil malayo pamilya ko."
Binabalik-balikan nila Jim at Zanti ang lugar sa Fingal Head dahil bahagi na ito ng kanilang buhay.

Wedding of Zanti and Jim Koek in Queensland, Australia. Source: Coconut Photography
Sa ngayon, nagpaplano na din sila na bumuo ng sarili nilang munting pamilya ang mag-asawa at umaasang gaya ng karagatan walang hangganan ang kanilang pagmamahalan.
“Gusto namin magkaroon ng bahay, boat at isasama namin ang mga bata sa beach.”

Beach wedding of Kristel and Matthew Gildersleeve in Tugun Beach, Queensland. Source: Kristel Gildersleeve
Ang pag-iisang dibdib
“Nagpa-alam sya sa nanay ko yon ang pinaka- importante sa akin pangalawa gusto namin na solemn as possible naku ang wedding, napaka-simple ng kasal at ramdam namin ang aming vow sa isa't-isa."
Hindi napigilan ang pagmamahalan nila Kristel at Matthew Gildersleeve sa Queensland dahil matapos ang isang taong na magkakilala, agad hiningi ni Matthew ang kamay ni Kristel sa ina para magpakasal sa susunod na taon.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, tumakas ang dalawa para magpakasal sa isang beach sa Gold Coast.
“Maayos naman ang pagpapaalam nya sa pamilya ko at kami gusto talaga namin ang hindi magarbo ang kasal dahil wala pa kaming ipon bago pa lang ako nag-graduate sabi nya tumakas na kami para magpakasal kaya ganun."
Taong 2018 napili ng dalawa ang Tugun Beach sa Queensland para sa kanilang kasal.
“Dahil sa solemn ang tatlong abay namin naiyak habang sinasabi namin ang vow. Gusto namin ang beach wedding dahil pareho kami mahilig sa dagat at pakiramdam namin free kami. Dati pumupunta kami sa beach, hindi kami nag-uusap nakatingin lang kami sa mga tubig at alon, relaxing sya.
Ang Tugun beach may luxury apartment at hindi matao ang beach at mahaba ang shoreline. Sabi ni Matthew, ang susunod naming kasal ay sa Pilipinas."
Hindi naman nagkamali si Kristel dahil kitang kita ng kanilang pamilya ang pagmamahal na binuhos ng asawa nito sa kanya pati sa kanilang anak na si Henrik na ngayo'y ka-bonding nila sa dagat.
“Nung wala pang baby, relaxing sa amin pero ngayon dahil malikot na, ine-enjoy na namin kung ano ang gusto nya. Gusto kasi ni Henrik maglaro sa dalampasigan at alon. Masaya na kami na-enjoy nya ang texture ang sand, sa kanya ang focus namin ngayon."
Isa sa mga nagustuhan ng mag-asawa sa beaches dito, maliban sa malinis madali itong puntahan at di kailangang gumastos ng malaki.

Family bonding at the beach. Source: Kristel Gildersleeve
“Marami tayong magandang beaches sa El Nido, Boracay kaya lang kailangan gumastos. Dito sa Australia, ang lawak ng coast line na pwede tayong mag travel ng 30 minutes, andun ka na sa dagat.”
Iba-iba man ang kwento at karanasan ng ilang kababayan sa magandang karagatan at dalapasigan ng Australia, isa lang ang dala nitong mensahe na gaya ng walang hanggang pagmamahalan ng magpapamilya sana'y ganun din ang pag-iingat na ating ibigay sa karagatan.

Kristel's family Christmas celebration. Source: Kristel Gildersleeve


