Ang anghel ng moda ay nakasuot ng Aguila

Model Dela Amirikia

Source: Selfie by Dela Amirikia

Si Dela Amirikia ay maaring kamukha ng bituin ng Hollywood Anne Hathaway na naging biglaang bituin, kasama ang beteranong artista na Meryl Streep, sa sobrang matagumpay na comedy-drama na The Devil Wears Prada.


Si Amirikia ay maaring nanaginip na maka-pagsuot ng Prada sa runway, subalit seryosong ginagawa  niya ang maliliit na hakbang. 

Si Amirikia ay nagsimulang maging gymnast noong siya at tatlong taon, at ginawa niya ito sa loob ng sampung taon, naging mananakbo sa track na kumatawan sa NSW, at naglaro ng volleyball, na kanyang tunay na hilig sa kanyang pag-amin, at kumatawan sa NSW sa loob ng limang taon. 

Ngayon, ang dalawampung-taong gulang na Dela Amirikia ay nagsisikap na masubukan ang mas pambabaeng  court -- ang court ng moda.
Model Dela Amirikia, second from left
Source: Supplied by Amirikia
Isa siya sa mga kakaunting di-Pilipino-Australyanong modelo na magussuot ng koleksiyon ni John Herrera, na nakatanggap na ng pangdaigdigang gawad, sa kanyang  Tuloy po Kayo Fashion Expo sa  Sydney sa Sabado, unang araw ng Hunyo.

'I’m excited to be part of  the Fashion Expos considering that I am not a Filipino”, pahayag niya.

Mula sa isang pamilyang Persian -- ayaw na stereo-typed ni  Dela Amirikia bilang isang tipikal na “Muslim woman”.

Isang estudyante sa pamantasan, ang babaeng may matatag na paniniwala ay mahilig lumabas, aktibo at ambisyoso.

Inamin ni Dela na kaunti lamang ang alam niya sa kulutrang Pilipino, subalit para sa kanya, malugod niya itong tinatanggap bilang simula.

‘I know they are hospitable. I know they are culturally diverse,”  At hinanahap pa niya ang marami sa Tuloy po Kayo fashion show.

Magsusuot si Amirikia ng isang damit na bahagi ng  Aguila (eagle) collection -- isa sa tatlong set ng  koleksiyon na ipapkita ni John Herrera.  Ang dalawang iba pa ay  Armada at Sueño.
Dela Amirikia
Source: Supplied by Dela Amirikia
Lilipad nga kaya ng mataas si Amirikia sa kanyang damit Aguila?

 

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand