Ang pagdami ng pagsusugal online at pag-download ng app para pumusta ay sumasalamin sa pagbabago ng pag-uugali, nakababahalang dumami ang mga isyu sa pagsusugal sa mga mas batang Australyano.
Sinuri ng Australian Gambling Research Center ang higit sa 2,000 katao na nagsusugal mula sa buong Australia noong Hunyo at Hulyo nang muling simulan ng NRL at AFL ang mga kumpetisyon nitong 2020.
Mga highlight
- Ipinapakita ng pananaliksik na nagdagan ang parehong dalas at paggasta ng mga kabataang lalaki sa pagsusugal habang nasa lockdown ng COVID-19
- 20 porsyento ng mga tao ang nag-ulat ng unang pagsusugal noong sila'y wala pang 18 taong gulang
- Ang labis na paglalaro ng computer ay maaaring humantong sa pagkagumon sa pagsusugal dahil sa magkatulad na tampok na istruktura at aesthetic
BASAHIN DIN / PAKINGGAN