Si Brad Dalton ay dating manlalaro ng Australya para sa City of Sydney Astronauts (1979-1980), West Adelaide Bearcats (1981-1982), Sydney Supersonics (1983), Geelong Supercats(1984-1987) at Sydney Kings (1988-1991) sa NBL.

Source: Basketball NSW
Ang pagmamahal ni Brad sa basketball ay naging susi upang manatili sa isport pagkatapos ng kanyang karera sa paglalaro. Simula ng bumaba bilang isang manlalaro, Siya ngayon ay nakatutok sa pagsanay ng mga batang manlalaro sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay niya sa mga paaralan at sa Manly Basketball Association.


