Sa loob ng 35 araw, tinahak ni Sydney-based Filipino food advocate Anna Manlulo ang 350 kilometrong bahagi ng Camino de Santiago sa Espanya. Sinubok ang kanyang tapang at katatagan at kalaunan ay naging inspirasyon para sa kanyang unang librong pambata.
Key Points
- Ang 'The Tiny Slimy Pilgrim' ay unang librong pambata na isinulat ng Filipino Food Movement Australia founder na si Anna Manlulo.
- Hango ang kwento sa 35-araw at 350-kilometrong paglalakbay ni Manlulo sa Camino Frances na bahagi ng mas mahabang paglalakad sa Camino de Santiago sa Espanya.
- Ang libro na inilathala noong 2024 ay sumasalamin sa kwento kung paano hinaharap ang pagod, hamon at pagbabago sa bawat hakbang ng buhay.
- Para kay Anna, ang isinulat niyang kwento ay naglalarawan sa pag-adjust sa bagong kapaligiran, isang karanasang pamilyar sa maraming Pilipinong migrante sa Australia at iba’t ibang panig ng mundo.
Ang Camino Frances na nilakad ni Anna ay bahagi ng mas mahabang Camino de Santiago - isang makasaysayang network ng mga ruta ng paglalakad at pagbibisikleta patungo sa dambana ng apostol na si Saint James the Great sa Cathedral ng Santiago de Compostela sa hilagang-kanluran ng Espanya.

📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.



