KEY POINTS
- Si Jeica Dimatatac ay 24 taong gulang na international student na nag-e-enjoy mag-busking sa kanyang libreng oras.
- Lumipat siya sa Australia upang makaani ng mga bagong karanasan at maging independent.
- Binahagi niya na ang busking ay nagbibigay sa kanya ng napakalaking fulfillment.
“Napapathank you kana lang kay Lord dahil binigyan ka ng talent. Lalo pag nag-busking tapos may grupo na naglalakad, nagive sila ng time para panoorin ka, bonus nalang ang tip, pero yung panoorin at pakinggan ka tapos iupload pa sa story nila na they’re having a bad day tapos nung nakita ka nila gumaan, ang sarap sa pakinggan," pagbahagi ni Jeica sa panayam sa SBS Filipino.
