Sa napakabatang edad, isa na halos dalubhasa si Elysa Villareal sa pagsali sa mga napakalaking kumpetisyon sa pag-awit. Nakasali na siya sa The Voice at X Factor Australia at kamakailan lamang, nasaksihan natin siya sa pinakasikat na kumpetisyon sa pag-awit sa Pilipinas ngayon, ang "Tawag ng Tanghalan." Larawan: Si Elysa Villareal sa "Tawag ng Tanghalan" (Isinuplay)
Ngunit higit sa kanyang kagalingan sa pag-awit, ang kanyang bituin ay pinaka-nagniningning dahil sa puso niya sa pagbibigay kawanggawa at pagmamahal at paggalang sa kanyang mga magulang.
Kilalanin ang maganda at napakabatang bituin na si Elysa Villareal, sa panayam na ito.
Share




