May mga batas na magpoprotekta sa karapatan ng mga 'international students'

Darrell Lao Bagang

Atty. Darrell Lao Bagang, City of Sydney's 2016-2018 International Student Ambassadors Source: Supplied

“I’ve always been championing the cause of international students. All of my other works in UTS law, Brennan program, I have submitted entries and different documents just telling everyone about our struggles because most locals do not understand what the struggles of international students are,” ayon sa abogado sa Pilipinas at nakapagtapos ng Law sa NSW na si Darrell Lao Bagang.


Si Darrell ay isa sa mga estudyante na isa ring pinuno na nakatapos ng City of Sydney’s 2016-2018 International Student Leadership Ambassador (ISLA) na programa. Nakatapos siya ng ‘postgraduate law degree” sa University of Technology Sydney (UTS) at kasalukuyang kinukumpleto ang ‘graduate certificate’ sa ‘practical legal training’ para maging abogado sa Australya bago matapos ang taon.

Sa pagkakaroon niya ng pribilehiyo na makakuha ng ‘Law education’ sa Pilipinas at Australya, inamin niyang mas naging madali sa kanya ang pag-aaral dito sa Sydney dahil sa sistema ng suporta na nariyan at sa pagiging praktikal ng pagtuturo.

Si Darrell ay aktibo sa pagiging kinatawan ng komunidad ng ‘international students’ partikular sa pagtulong sa kanila sa mga legal na isyu.

“Right now, I’m with Redfern Legal Centre’s international students practice. What we do is that we offer free legal advise to all international students across New South Wales on any issues, be it about your family issues, be it your tenancy or employment,” ayon kay Darrell.

Bukod dito, si Darrell ay bahagi rin ng ‘student consultative group’ na sinusuportahan ang ‘Respect. Now. Always’ na kampanya sa loob ng University of Technology Sydney (UTS) na tumutugon sa ‘sexual assault’ at ‘harrassment’ sa  mga estudyante at mga manggagawa sa unibersidad.

Ang batang abogado mula sa Pilipinas ay ibinahagi na ang madalas na problemang kinahaharap ng mga ‘international students’ ay may kinalaman sa pagsasamantala o ‘exploitation’ mula sa kanilang mga taga-empleyo ganoon na rin ang isyu sa kanilang paninirahan.

May mga bilang ng Pilipino na lumalapit sa kanya na may ganitong problema at hindi niya maiwasang makiramay sa kanila. Ang patuloy niyang ginagawa sa ngayon ay magbigay ng payo sa mga tamang hakbang na dapat isagawa hinggil sa kaso o kaya ay i-refer sila sa mga abogado o ‘solicitors’.
International student ambassadors
City of Sydney's 2016-2018 International student ambassadors honoured for their selfless efforts
Kahit na nakumpleto na ni Darrell ang kanyang City of Sydney’s ambassador program, nais ni Darrell isipin na hindi pa dito nagtatapos ang kanyang gawain para sa mga ‘international students’.

“It’s always, we have to look forward, we have to look beyond what we had, [what] we did, thinking na marami pang pwedeng gawin (there are more things to be done).”

Hinihikayat ni Darrell ang mga Pilipinong ‘international students’ na magpadala ng kanilang aplikasyon para sa susunod na ‘international student ambassadors’ ng siyudad ng Sydney. Magsisimula ang aplikasyon sa susunod lamang na mga linggo sa website ng ‘City of Sydney’.

 




Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
May mga batas na magpoprotekta sa karapatan ng mga 'international students' | SBS Filipino