Mayroong mga suportang nariyan para sa mga ‘international students’

John Jatto

John Jatto, City of Sydney's 2016-2018 International Student Ambassador Source: Supplied

Nagsimula ito sa kanyang masidhing kagustuhan na makakuha ng internasyunal na edukasyon, ngayon si John Jatto, na iniwan ang Nigeria para tuparin ang kanyang pangarap, ay hindi lamang naging ‘international student’ ngunit naging boses din ng komunidad ng mga ‘international students’.


Sa pagiging parte niya ng City of Sydney’s 2016-2018 International Student Leadership Ambassador (ISLA) na programa, naging bahagi si John ng iba’t ibang proyekto para sa mga ‘international students’ sa Sydney noong nakaraang labingwalong buwan.

Siya ay tumulong sa pag-oorganisa ng ‘Sydney tour’ para sa mga bago pa lamang dating na ‘international students.’ Nilalayon ng proyektong ito na palawakin ang koneksyon ng mga estudyante at tulungan sila na maging pamilyar sa mahahalagang lugar sa siyudad.

Isa rin si John sa nag-organisa ng ‘workshop’ para tulungan ang mga estudyante sa pagsulat ng kanilang CV para tumaas ang kanilang pagkakataon na makakuha ng trabaho.

"We also understand that when internationall students come here they have issues trying to get jobs and we also have workshops [for that]," ayon kay John.

Dahil ang mental na kalusugan ay isa na ring problema ng mga estudyante mula ibang bansa, ipinahayag ni John na may mga nakahandang suporta dito.

Ang dami ng mga proyekto ay kinabibilangan ng pagsasanay sa pagka-pinuno at ‘orientations’ para mabigyang gabay ang mga bagong dating lamang na ‘international students’.
John Jatto
John Jatto, City of Sydney's 2016-2018 International Student Ambassador Source: Supplied
Ang estudyanteng ito na isa ring pinuno (at inilarawan ang kanyang mga Pilipinong kaibigan na may mabubuting puso) ay kasalukuyang tinatapos ang kanyang Bachelor’s degree sa Accounting. Masaya si John sa pananatili niya sa Sydney at nais na tumagal ng mas mahaba pang panahon sa makulay at multikultural na siyudad na ito.

Kung ikaw ay isang ‘international student’ mula Sydney na nangangailangan ng suporta, maaari mong malapitan si John Jatto sa kanyang Facebook at Instagram account o i-email siya sa jattojohn@yahoo.co.uk.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mayroong mga suportang nariyan para sa mga ‘international students’ | SBS Filipino