Kakatapos lamang ni Lucy ng City of Sydney’s 2016-2018 International Student Leadership Ambassador (ISLA) na programa. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Sydney, sa Finance at Economics.
Inamin ni Lucy na hindi naging madali ang kanyang pagsisimula dahil sa hadlang sa wika at kultura.
“It took me some time to [be familiarized] with Australian cultural background and to communicate with my lecturers and tutors to know more about the learning skills, how to practice my critical thinking skills.”
Isang ‘international student’ na nais ipagbuti pa ang kanyang sarili, nag-aplay si Lucy upang maging bahagi ng ISLA na programa para umunlad ang kanyang galing sa pamumuno.
Ang ISLA na programa ay isang ‘award-winning’ na labingwalong buwan na programa na tinuturuan ang mga pinunong ‘international students’ na maging mga ‘community ambassadors’ at makialam sa makibahagi sa mga proyekto na makakasagot sa pangangailangan ng komunidad ng mga ‘international students’.
Ang pagpili ay kinabibilangan ng pagpasa ng ‘application form,’ pang-grupo at indibidwal na ‘interview’.
Pinayuhan ni Lucy ang mga nais na makasama sa susunod na grupo ng mga ‘international student ambassadors’ na ipakita ang tunay nilang sarili at pahintulutan itong maging oportunidad para sa kanila na makalapit sa komunidad at lumabas sa nakagawian na nilang mundo.

City of Sydney's 2016-2018 International student ambassadors honoured for their selfless efforts
Ang batang pinunong ito ay ikinuwento ang kanyang positibong karanasan sa pag-aaral sa Sydney. Nagsabi si Lucy na kahit na may mga hamon, mayroon ding mga oportunidad. Ayon kay Lucy, ang pagkakaroon ng akademikong edukasyon sa Australya ay binago ang kanyang pananaw sa komunikasyon at pamumuno ganoon na rin sa pagkatuto ng bagong wika.
Kung ikaw ay isang ‘international student’ na interesado na maging pinuno o mapabuti ang iyong galing sa pamumuno, maaari mong bisitahin ang City of Sydney website, at ipadala ang iyong aplikasyon upang maging bahagi ng ISLA na programa. Ang aplikasyon ay magsisimula sa nalalapit na panahon.