Sino ba namang makakatangi sa ganda ng Australia, bukod sa malaki sweldo na opurtunidad lalo na sa mga skilled worker, kahanga hanga rin ang mga pasyalan dito.
Pero bukod sa medyo mahirap ang pumasok sa bansang ito madami ding mga dapat tandaan ang isang tao lalo na kung ikaw ay turista o bago pa lamang naninirahan dito.
Sa paliparan pa lamang haharangin kana quarantine personel lalo na kung nakitaan ng ipinagbabawal na bagay sa iyong bagahe. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag dadala sa mga dried goods kagaya ng sapsap, hawot, o karne lalo na kung hindi silyado. Bawal din ang mga seeds o buto ng anumang halaman, bawal din ang sobrang dami ng sigarilyo magmumulta ka lalo na kung hindi mo ito idineklara.
Makakahinga ka na ng maluwag kapag nakalabas ka ng walang problema sa paliparan.pero kung sasakay ka ng bus kailangan mong mag say ‘thank you “ sa driver kapag bababa kana , bastos kasi sa kanila kapag bababa ka na lang ng basta.
Kung may sarili ka namang sasakyan huwag mo ng aantayin ang gasoline boy dahil dito kanya kanyang karga ng gasolina. Kung mag lo-long drive ka siguraduhin mo na may dala kang galon ng gasolina dahil malalayo ang pagitan ng mga gasolinahan.magdala na din ng extrang pagkain.
Bawal na bawal ang mag maneho ng lasing, maaring masuspende o matanggalan ng lisensya..
Kung holiday mahal na raw huwag na huwag lumabag sa batas trapiko, halimbawa ay ang beating the red light, sa halip a $300 lamang ang penalty maginging $600 at sa halip na 3 demerit magiging anim ang mababawas sayo.
Kung mapapatigil ka naman sa isang lugar huwag na huwag mong pakakainin ang mga ibon lalo na ang seagul, dahil dudumugin ka ng mga ito.
Pwede ka namang ipapulis kung nakita kang hinaharass o minamaltrato ang isang hayop lalo na ang aso.
Pero huwag mo nang asaming maging pet ang isang dingo, ang dingo ay isang wild dog na nakatira sa gubat. Katunayan isang dokumentaryo ng tunay na buhay ang ginawa. Isang sanggol ang bigla na lamang naglaho habang nag cacamping ang pamilya nito.
Unang pinagbintangan na ang magulang ng bata ang pumatay sa sanggol pero kinalaunan at base na rin ang imbestigasyon ng mga otoridad ay kinain ng dingo ang sanggol.
Kung maari huwag mag camping o mag walking mag-isa bukod sa malalaki ang kagubatan dito, maraming mga mapanganib na hayop sa paligid tulad ng ahas, buwaya at mga gagamba.
Kapag sinabing bawal maligo sa ilog o sa dagat.. Sundin, kung hindi pwede ka lang namang lulunin ng buhay ng buwaya at pating.
Sa mga okasyon at binati ka ng isang tao ng "how you going?" Huwag mo namang ikwento ang kabuuan ng problema mo lalo na kung hindi mo kilala, pwede mong sabihin, "good thank you" o "not too bad".. Sabay ngiti.
Huwag e-underestimate ang weather forecast, dahil malalakas ang mga bagyong nadaan dito, tiyak sira ang bahay mo lalo at bahagyang mahuhuna ang pag gawa ng bahay dito.
Kaya kung bago ka huwag mahiyang magtanong o kaya ay mag research, dahil kahit saang bagay ligtas ang may alam.




