Census forms para sa may problema sa pandinig at paningin

census 2021, form

Filling in the census form Source: SBS

Tinaguriang world-class ang gaganaping National Census 2021 dito sa Australia dahil pati ang mga may kapansanan ay hindi na mahihirapang lumahok kagaya nilang may problema sa pandinig at paningin. Dahil ginawa ng taga-Australian Bureau of Statistics na mas maging madali ang kanilang pagsagot sa Census sa pamamagitan ng teknolohiya.


Highlights
  • Naglagay ang Australian Bureau of Statistics ng mga technological upgrades sa kanilang website
  • Pwede nang mapakinggan ang mga katanungan sa Census at may mga audio links na ma-aaccess sa website para sa karagdagang detalye
  • Mayroon ding higit 60 video para sa sa mga hirap makarinig, kung saan maaring mapanood ang mga instructions
Pahirapan ang pagsagot sa mga tanong sa census yan ang karanasan ng taga-Melbourne na si Chris Edwards na isang advocate para sa mga may problema  sa paningin.

Ayon sa kanya, walang sapat na material na pwede nilang magamit para hindi sila mahirapan sa pagsagot kaya ang nangyayari, iniisip na lang nila na parang wala na silang halaga o silbi o napag-iwanan na.

"When it doesn't happen It's so frustrating and its tiring because  it feels like you don't have a voice and people aren't listening."

Ito ang tinugunan ngayong taon ng taga-Australian Bureau of Statistics, kaya gumamit sila ng modernong teknolohiya sa kanilang website para hindi pahirapan para sa mga taong may problema sa paningin at pandinig.

Kasama si Chris Edwards sa pagpaplano  ng ABS para sa pag-upgrade  ng sistema ng pagsasagawa ng Census para maging madali sa lahat ang pagsagot at ma-access ng lahat pati silang may kapansanan.

"The key challenge that people who are blind have is that we have to rely on other people to do it. With the changes that the Census has made in that ensuring that all their formats are accessible means that me and other people who are blind or with low vision can participate just like everybody else in the community."

Dahil sa a ginawang upgrade o pagbabago, pwede nang mapakinggan ang lahat ng mga tanong sa Census na makikita sa website.

Braille

Para naman sa gustong makakuha ng kopya ng dokumento para sa Braille o sa mas malaki ang imprinta ng mga sulat puwede maka-order online o kaya pwede ding tumawag.

Ayon kay Australian Bureau of Statistics Census Operation Manager David Keys ang sistema ay ginawa para maging madali sa lahat ng mga Australians.

"Look the reason why it's more accessible is that we wanted to make sure everybody in the community had the options most accessible to them, that are easy to them and just to complete the census the best they can using the features we have for them."

Online videos

Mayroon ding ginawang 60 online videos para maging madali ang pagsagot ng mga may kapansanan sa pandinig, nakapaloob sa video ang Australiab Sign Language para matapos ang buong proseso.

Sabi pa ni Gavin Balharrie, ang presidente ng service provider para sa Expression Australia, world class umano ang sistema ng census ngayon .

Some of the members in our community don't understand English at all and English is their primary language. So it is really important to focus more widely on providing that access so that our community have access to resources and to AUSLAN content to they can better gain an understanding so they can answer accurately.

Website upgrades

Ang upgrade na ginawa ng ABS  sa proyektong  2021 Census website ay nakakuha Double A rating World Wide Web Consortium’s Web Content Accessibility Guidelines.

Ang datos mula  sa Census ay mahalaga para sa mga service providers gaya ng  Express Australia at Vision Australia

Sabi pa ng  CEO, na si  Ron Hooton, makakatulong ito sa mga organisasyon para maging tama ang alokasyon ng serbisyo gaya sa mga komunidad.

“So it tells us about the instances of disability how many people are blind or have low vision and where they are in Australia. Because people are spread right across the country It gives us a lot of information about people who are in Aboriginal and Torres Strait Islander community which are an area of big health focus for the nation but particularly Vision Australia.

Sa taong 2016, sa datos ng Vision Australia umabot na sa  384,000  ang mga bulag at may problema sa paningin pero inaasahang tataas ito sa taong 2030.

Kaya mahalaga ang datos ng census para maitaas din ang alokasyon ng serbisyo. Kaya nanawagan ito sa lahat ng mga Australians na sagutin ng maayos ang Census bago ang Agosto 10.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand