Kailangan ng madaming supply ng dugo para mabigay ang tamang pangangailangan ng mga pasyente at maisalba ang kani-kanilang buhay.
Higlights
- Kailangan ang karagdagang 22 thousand donors ng dugo at plasma, sa loob ng dalawang linggo
- Mas kailangang dugo ng Red Cross ang ang blood type na O negative, A-negative, A-positive at B-negative
- Ayon kay Australian Red Cross Executive Director Cath Stone, aabot sa 31,000 donors ang kanilang kailangan bawat linggo,
Tumaas ng 7 percent ang demand ng dugo matapos unti-unting bumabalik sa normal ang buhay dito sa Austalia. Marami na ang bumabalik sa ospital para gawin ang mga elective surgeries matapos maudlot noong kasagsagan ng pandemya.
Maliban sa mga elective surgeries, kabilang sa mga nangangailangan ng dugo ay silang mga biktima ng aksidente, buntis at nagpapagamot sa sakit na kanser.
Hinihikayat din ni Director Stone ang mga komunidad na lumabas at magdonate ng dugo .



