Sa ginagawang pagpupulong para sa wika sa Pilipinas na Sawikaan 2018, ang “tokhang” ay nanalo bilang Salita ng Taon (Word of the Year).
Sa harap ng nasa 200 mag-aaral, mga akademiko at mga kritiko sa panitikan, ipinagtanggol ng manunulat na si Mark Angeles ang "Tokhang" upang maging pinaka-usapang salita sa taong ito na pinagpasyahan ng Filipinas Institute of Translation, UPD Information Office at ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Si Angeles, na isa ring part-time na guro, ay nagbahagi kung paano niya ipinagtanggol ang Salita ng Taong 2018 at pinag-usapan din ang pinagmulan ng mga salitang "fake news" at "dengvaxia" na pumangalawa at pangatlo, ayon sa pagkakasunod, at ang "foodie" ay salitang pinili ng madla.

Writer Mark Angeles (front, standing) in defense of "tokhang." (Photo by Virgilio Labial) Source: Virgilio Labial