Layuning higit pang tuklasin ang mga bahagi ng Asya, si Brendan ng B Adventures Travel Vlogs ay ilang beses nang bumiyahe sa ilan sa mga hindi masyadong kilalang lugar sa Pilipinas.
At kung kayo ay mahilig sa adventure tulad niya, narito ang ilan sa mga lugar na sa tingin niya ay dapat ninyong mapunatahan.
1. Coron, Palawan
Sa ibabaw o ilalim man ng tubig, ang Coron ay isang lugar na dapat puntahan kung mahilig ka sa pagsisid, snorkeling at kayaking.

Underwater in Coron, Palawan (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Kayaking in Coron, Palawan (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs
2. Puerto Princesa, Palawan
Ang Puerto Princesa ay kilala para sa Puerto Princesa Underground River o Puerto Princesa Subterranean River National Park na opisyal na kinumpirma bilang isa sa New7Wonders of Nature noong ika-28 ng Enero, 2012.
Ngunit, higit pa ang maaaring makita sa Puerto Princesa, andy'an ang Honda Bay at iba pa tulad ng Dos Palmas Island at Cowrie Island kung saan hahanga ka sa iyong makikita, o matutong sa pag-sagwan o magpahinga at walang gawin.

Standing on Cowrie Island beach looking at surrounding islands (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Paddling at Dos Palmas Island Puerto Princesa (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Relaxing at Dos Palmas Island (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs
3. Sagada, Mt. Province
Ang Sagada ay kilala para sa mga naka-sabit na nakabitin na mga ataul. Ngunit, bukod doon, kilala rin ito sa mga kuweba, mga talon, mga limestone na bundok, at kapaligiran sa burol.

Mountainous province of Sagada (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs
Bagaman, hindi madaling puntahan ang Sagada at kakailangan mo ng matinding pasensiya sa mahabang biyahe sa paliku-liko at malubak na biyahe patungo doon. Iyon ay isang hindi malilimutan na paglalakbay. Maaari ding subukan ang sumakay sa ibabaw ng dyip tulad ng makikita sa larawan.

Riding atop a jeepney in Sagada (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Caving in Sagada (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Rock climbing in Sagada (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs
4. Angeles City, Pampanga
Ang lungsod ng Angeles ay isang primera klaseng urbanisadong lungsod sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ilang oras lamang ang layo sa labas ng Metro Manila, maraming kaginhawan ang mararanasan sa lungsod ngunit mas kakaunti ang tao kumpara sa Maynila. Bukod sa mga kasiyahan, madami ding maaaring gawin sa outdoor tulad ng shooting range sports o kaya'y magmaneho ng ATV/UTV o mag-trekking patungo sa kalapit na Mt Pinatubo.

Try drive the off-road vehicle - the ATV (all-terrain vehicle or the UTV (utility vehicle or utility task vehicle) (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Shooting range sports (B Adventures Travel Vlogs)
Ang Dumaguete City ay itinuturing na bukasan at bintana sa mga kalapit na lungsod at bayan sa Negros Oriental at maging mga kalapit na isla tulad ng Cebu, Bohol, Siquijor, Dapitan at Zamboanga at iba pa.
Ang pagiging malapit nito sa mga naturang isla ang dahilan kung bakit maraming tao ang pumupunta sa lugar. Halimbawa, ang bayan ng Oslob sa Cebu, na kilala para sa butanding, ay ilang oras lamang ang layo kung sasakay ng ferry-ride.
May mga nakatago ding lugar mismo sa Dumaguete City. Maaaring umakyat ng bundok at magpalamig sa pagligo sa Casaroro Falls o lumanghap ng sariwang hangin pagdating sa Balinsasayao Twin Lakes Natural Park sa maliit na baybaying-bayan ng Sibulan.


A cottage near Forest Camp Resort & Park on side of a mountain in Valencia, on the way to Casaroro falls (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Casaroro Falls (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Pulangbato Falls in Dumaguete (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Oslob, Cebu (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Try swim near a whale shark in Oslob, Cebu (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs
6. At bilang dagdag, binanggit ni Brendan ng B Adventures Travel Vlogs ang Dapitan City sa Zamboanga del Norte bilang siyudad na makita sa Mindanao
Kaunti lamang ang layo sa Dumaguete City, ilang oras sa pagsakay ng ferry, ang makasaysayang lugar ng Dapitan City kung saan ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal ay ipinatapo ng mga Espanyol dahil sa kanyang mga gawaing rebolusyonaryo.
Ang Dapitan City ay kilala bilang "Shrine City" sa Pilipinas. Dito din makikita ang Gloria's Fantasyland, ang unang amusement park sa Mindanao.
At sa anumang paglalakbay sa Pilipinas, hindi maiiwasan ang katotohanan na maraming paligsahan ng pagandahan ang nagaganap sa buong bansa. Dahil sa katotohanan na ang bansa ay naging kolonisado ng iba't ibang mga bansa nang mahabang panahon noong nakaraan, ang kumbinasyon ng pinagmulan ng mga Pilipino ay ginagawang natatangi ang bawat isang Pilipino - at maganda sa kanilang maliit na paraan - na kinumpleto ng kanilang pagkamagiliw at paagiging palakaibigan.
Handa ka bang sumabak sa pagsubok at adventure at kasiyahan? Biyahe na, dahil ayon nga sa opisyal na slogan ng Philippine Department of Tourism, - mas masaya sa Pilipinas - "It's more fun in the Philippines".

Gloria's Fantasyland in Dapitan (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs

Beauty pageant in Dapitan City (B Adventures Travel Vlogs) Source: B Adventures Travel Vlogs