Ayon sa Royal Australian College of General Practitioners (RACGP) hindi maiiwasan ang muling pagbalik ng flu ngayong taon.
Ayon sa General Practitioner na si Dr Mahesh Bandarupalli na dalubhasa sa mga nakakahawang sakit, ang mga aktibong pagpapatupad ng mga inirerekomendang proseso ng pag-iwas tulad ng paglilinis at pagdidisimpekta ay kasinghalaga na ngayon gaya noong unang lumabas ang virus.
Sa isang panayam sa SBS Filipino, sang-ayon ang may-ari ng top job cleaning services sa Sydney, Em Rama sa sentimento at naniniwala siya na dapat priyoridad ng bawat Australyano ang malinis na bahay upang iwas sa mga sakit-sakit.
Highlights
- Hinihikayat ang mga Australyano na panatilihing malinis ang mga bahay upang iwas sa virus.
- Sa muling pagbukas ng border at kawalan ng sapat na pagsusuri laban sa flu, may mga pangamba na ang mga kaso ng flu ay tataas ngayong taon kasabay ng banta ng COVID-19.
- Mahalaga ang ang mga aktibong pagpapatupad ng mga inirerekomendang proseso ng pag-iwas.
Makinig sa audio
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.


