Mataas na ang bilang ng mga namatay.
Ang Australyanong Kapitan Charles Leer at ang kanyang mga tauhan ay nakakalapag pa lamang sa Anzac Cove.
Hinaharap ang naunang hukbo ng mga Australyano, inilipat ng Turkish Captain Halis Bey ang kanyang mga tauhan sa posisyon sa Third Ridge, malapit sa Lone Pine.
Sa pagtatapos ng araw, si Captain Charles Leer ay patay na, tinamaan mula sa panghuling matinding laban laban sa mga puwersang Ottoman.
Ang Turkong kapitan Halis Bey ay buhay - ngunit tatlong beses na nabaril ng mga Australyanong snipers.
Mahigit isang-daang taon ang makalipas, tinunton ng mamamahayag ng SBS na si Ismail Kayhan, ang mga pamilya ng dalawang kalalakihan na matapang na nakipaglaban sa isa't isa sa araw na iyon ng Anzac - at nakipag-usap sa mga kaanak o apo sa Turkey at Australia.