KEY POINTS
- Ayon sa Australian Bureau of Statistics tinatayang 2.7 milyong katao ang nawalan ng trabaho o nabawasan ng oras sa trabaho sa panahon ng pandemya.
- Matapos ang apat na taon na walang permanenteng trabaho dahil sa COVID-19, kamakailan lamang ay inalok si Manzano ng trabaho muli sa industriya ng turismo. Aniya parang nagsisimula ulit siya sa baba.
- Pinalawak ni Manzano ang kanyang social media presence sa Facebook, Instagram, at TikTok sa pamamagitan ng pag-awit ng mga cover songs at pakikipag-ugnayan sa kanyang mga tagasunod.
Tampok ng Tugtugan at Kwentuhan ang kwento ng mga Pilipino na gumagawa ng sariling marka sa industriya ng musika at sining.