Key Points
- Sa survey ng OCTA Research, nasa 64 percent ang trust rating ni Pangulong Marcos na mas mataas nang apat na puntos kumpara sa 60 percent na rating noong April, 2025.
- Habang nasa 62 percent ang performance rating ng Pangulo na tumaas ng tatlong puntos mula sa 59 percent noong Abril.
- Bumaba naman ang trust rating ni Vice President Duterte sa 54 percent mula sa dating 58 percent nitong Abril.
- Habang bumaba rin sa 50 percent ang performance rating ng Bise Presidente mula sa 56 percent nitong Abril.
Sa ibang balita, inalis na ng Department of Agriculture o DA ang ban sa pag-i-import ng poultry products mula sa Australia matapos na walang naitalang bagong kaso ng bird flu sa Australia.
Ayon sa DA, pinapayagan na ang pag-angkat ng mga domestic at wild birds, kasama ang poultry meat, mga sisiw, itlog at semilya.
Mananatili namang mahigpit ang DA sa pagpasok ng mga produkto mula sa Australia.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.