Key Points
- Ilan sa laging nababanggit na komento ng mga kamag-anak tuwing may handaan o reunion ay ang tungkol sa personal na buhay o hindi kaya naman sa itsura ng katawan.
- Ayon sa isang clinical and counselling psychologist, isipin muna kung may partikular na intensyon ang nagsabi o sadyang nasambit lang ng hindi pinag-isipan ang mga komento.
- Maaring daanin sa biro ang sagot o kung ito ay seryoso ay maari ding kausapin ng mahinahon ang kamag-anak.
Dapat bang patulan o hayaan na lang? Tinanong namin ang isang eksperto kung ano nga ba ang mainam na gawin sakaling malagay ka sa ganitong sitwasyon.