Pinintasan ang pamahalaan kaugnay ng desisyon nito na payagan ang lider at deputy leader ng Nationals na manatili sa kanilang mga tungkulin habang ang kanilang pagiging karapat-dapat upang maupo sa parlamento ay pinagdududahan. Larawan: Pasya na si Barnaby Joyce ay hindi karapat-dapat na maupo sa pampederal na parlamento (AAP)
Matapos ang mahabang inabangang paghatol noong nakaraang linggo mula sa mataas na hukuman sa kapalaran ng tinatawag na 'Citizenship 7' - ngayon ang pamahalaan ay nasa ilalim ng presyur upang magsagawa ng pag-awdit sa estado ng dual citizenship ng bawat miyembro ng parlyamento.
Share





