Sa seremonya ng pagkamamamayan sa Blacktown City Council, dalawang Pilipino ang nanumpa at nakatanggap ng sertipikasyon na binibigyang-bisa ang kanilang pagiging mamamayan ng Australya.
Si Sandy Perez, ina ng dalawang bata (kung saan ang pangatlo ay malapit ng ipanganak), ay sinamahan ng kanyang asawa ng siya ay dumalo sa seremonya. Dumating siya dito anim na taon na ang nakakaraan, nang siya ay nagpakasal sa isang Pilipino-Australyano.
Ang kinasasabikan ng ina na ito sa kanyang pagiging Australyana ay ang kinabukasang naghihintay para sa kanyang mga anak. Nakita niya rin na ang pagiging isang Pilipinong ina, na mayroong magandang pag-uugali, ay makakapagbigay kontribusyon sa Australya, dahil nangangahulugan ito ng pagpapalaki ng mga batang magiging responsableng matatanda sa hinaharap.
Ang kanyang panghuling mensahe sa mga Pilipino: “If you have dreams, you should also have courage to fulfill it for you and your family.”
Para kay Gerry Giorla, naging napakatagal na paghihintay ito para sa kanya, kaya ang seremonyang ito ay mas makahulugan para sa kanya.

Mr Gerry Giorla and Mrs Sandy Perez, receiving their certificate of citizenship Source: C. Diones
“Mahabang tatlumpung taon akong naghintay at ito ang araw na aking hinihintay kaya ako ay natutuwa,” pahayag ni Ginoong Giorla sa SBS Filipino.
Kanyang ibinahagi na ang pagiging mamamayan ng Australya ay magiging mas may benepisyo para sa kanya sa kanyang pagtanda.
Ngunit kahit na ba isa na siyang Australyano, kanyang ipinaalam na Pilipino pa rin siya partikiular sa kanyang pag-uugali.
“Pilipinong-Pilipino pa rin. Ang mga anak ko’y ugaling Pilipino. At ang mga apo ng lumalaki ay tinuturuan kong maging ugaling Pilipino pa rin.”
Pakinggan ang kabuuang panayam.