Tulong para sa mga biktima ng bagyong Ulysses: Mag-ingat sa mga scammer

Typhoon Ulysses

An aerial survey of flooded areas affected by Typhoon Ulysses on November 12, 2020. Source: Philippines Presidential Communications Operations Office

Ilang kamag-anak at kaibigan ng mga naapektohan ng bagyong Ulysses, patuloy na nanawagan ng donasyon.


Humupa na ang baha ngunit hindi pa tapos ang kalbaryo ng mga Pilipinong naapektohan ng bagyong Ulysses sa Pilipinas.

Patuloy silang nangangailangan ng ayudang pagkain, damit, inuming tubig at iba pang pangangailangan.

Para kay Cyndy Paguio malaki ang maitutulong kung patuloy na maipapaalam sa publiko na lubos pa ring nangangailangan ng donasyon at tulong ang mga naapektohang Pilipino.

Ipinaliwanag niya na malayo na ang mararating at maitutulong ng 10 AUD na maidodonate.

Beware of online scammers
Beware of online scammers Source: Hazel Salas


Ayon naman sa kaibigan nitong si Julie ann, dapat umanong suriin ng mabuti nang mga donor ang pagbibigyan nito ng donasyon lalo pa kung ito ay pera at magbibigay ng mga personal na detalye tulad ng bank account.

Gumawa si Julie Ann ng Facebook post nang mga organisasyon na lehitimo at mapagkakatiwalaan.

Nakakalungkot man daw na aminin na sa mga ganitong panahon ay may mga tao pa ring nanamantala, kailangan pa ring mag doble ingat upang maiwasang maloko at masiguro na mapupunta sa mga taong nangangailangan ang tulong na ipapaabot.



 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand