Sa mga karagdagang balita sa kabisayaan, tinatayang aabot na sa P160 milyon ang halaga ng pinsala na idinulot ng El Nino Phenomenon; Department of Social Welfare and Development hinihikayat na makabalik ang mga kabataang tumigil sa pag-aaral sa pamamagitan ng kanilang advocacy na (Bata Balik Eskwela); Integrated Inter-Modal Transport System hangad na bigyan ng solusyon ang problema sa trapiko; kabataan sa Cebu pinapaburan ang sapilitang Reserve Officers Training Corps o ROTC; at kapulisan hihingan pa rin ang mga naghahanap ng trabaho ng clearance sa hanapbuhay kahit pa man sa bagong batas.
UK handang tumulong sa Pilipinas labanan ang online sexual exploitation of children

Source: Getty Images
Handa ang United Kingdom na tumulong sila sa mga awtoridad upang masugpo ang online sexual exploitation of children o OSEC na meron pa ring nagaganap sa Cebu, pahayag ng punong lakansugo sa Pilipinas Daniel Pruce sa kanyang nakalipas na pagbisita. Sinabi niya na tutulong ang kanyang pamahalaan sa kapulisan na ibahagi ang impormasyon mula sa computer forensics.
Share

