Operators ng food outlet sa Northern Queensland,nahaharap sa patong patong na kaso dahil sa hindi tamang pasweldo

Queensland, Filipinos, underpayment, workplace laws

Many workers unaware of the workplace laws and regulations in Australia Source: Getty Images/Marianne Purdie

Magbabayad ng multa ang dalawang operator ng food outlet sa Northern Queensland dahil sa di wastong pa sweldo


highlights
  • Magbabayad ng multa ang Buenavista Kurunda Cafe sa Kurunda at Donut Joint sa Smithfield
  • Napatunayan hindi nagbayad ng penalty rates at overtime pay
  • Malaking bilang ng mga empleyado ay walang sapat na kaalaman tungkol sa kinilang karapatan sa lugar trabaho.
Tumataginting na $70,000 katumbas ang nasa mahigit dalawang milyong piso ang kailangang bayarang penalty sa Federal Circuit Court ng dalawang food outlet  na Buenavista  Kuranda café  na nasa Kuranda at Donut Joint sa Smithfield. 

Ito ay matapos mapatunayang hindi nagpasweldo ng tama sa labingwalong trabahador kabilang ang mga kabataan.

 


 

 


Ipinag-utos din ng Korte na magbayad ng labing anim na libong dolyar ang mga may ari ng kumpanya na Mashnicisa Pty. Ltd, at si  Maurice Arias, kung susumahin umabot sa walumpot anim na libong dolyar ang penalty na kailangang bayaran. Ipinag-utos din na bayaran ang kaniyang mga empleyado kasama na ang interest.

Ayon kay Fairwork Ombudsman Sandra Parker isa sa tinututukan nila ang kalagayan ngayon ng fast food, restaurant at café.

Ayon kay Parker obligasyon ng bawat kumpanya  na magpasweldo ng tama at naayon sa Australian lawful minimum pay rates. Trabaho rin aniya ng ahensya na pangalagaan ang karapatan ng mga mangagawa lalo na ang mga kabataan.

Hindi rin umano sila magdadalawang isip na patawan ang parusa ang simunang nagkasala kahit ngayong panahon ng pandemya.

Hindi tamang pasweldo

Ayon sa imbestigasyon ng Fairwork Inspector sa labing walong trabahador labing isa dito ay nasa edad kinse hanggang labing walong taong gulang.

 

Nasa mahigit labing tatlong libong dolyar ang kabuuang halaga ng kulang na sweldo ng mga ito.Ang halagang ito ay pinagtrabahuhan nila sa loob ng tatlong buwan taong 2018.
Isa sa mga trabahador dito ay hindi umano pinasweldo ng apat na linggo, hindi rin nagbabayad ng weekend at public holiday penalty rates, gayon din ang overtime at evening loadings na malinaw na nakasaad sa Fast food Industry Awards 2010.
Dahil dito hindi umano nakabili ang mga mangagawang ito ng  mga gamit sa eskwela tulad ng University textbooks,at laptop,bigo rin silang makabayad ng kanilang kanilang credit cards, loan, renta at mga gastusin sa bahay.

Napag-alamang hindi rin nakapagsumite ang mga may ari ng Fairwork Information na kailangan ng isang empleyado para malamang ang kanilang mga karapatan at obligasyon. Pawang mga peke anila at gawa gawa lamang ang mga papeles na isinusumite nito sa Fairwork Ombudsman.

Ayon kay Judge Michael Jarrett na siyang humawak ng kaso hindi umano nila ito palalampasin para hindi tularan ng iba.

Language barrier, isa sa malaking balakid

Si Cora* 67 taong gulang, isang laundry attendant sa isang hotel resort, minsang sumideline sa paglilinis ng bahay sa isang kakilala.

Kwento nito binayaran siya ng$15 sa isang oras. Kumita umano siya ng kulang $500 sa loob ng limang araw.  

Kung tutuusin aniya ay hindi ito sapat pero masaya na siya bukod sa ehersisyo ay pampalipas oras na lamang, pandagdag din sa kanyang mga gastusin.

Para kay Fernando Medrano, presidente ng Filipino Community sa Cairns City malawak at sensitibo ang usaping ito hindi lamang para sa mga Filipino maging sa iba pang mga dayuhan dito sa Austalia.

Isa sa nakikita niyang balakid para magreklamo ang isang tao ay ang language barrier, hindi kasi lahat ay lubos na nakakaintindi ng Ingles, o walang sapat na kaalaman sa batas ng Australia kaya ang iba mas pinipili na lamang na manahimik. Kasabay na rin nito ang takot na mapauwi ng Pilipinas ng hindi oras.

Payo niya bago pumirma sa anumang kontrata ay unawain o sumanguni sa mga eksperto.

 

Para sa mga employer at mga mangagawa na may mga katanungan maaring  bisitahin ang www

.fairwork.gov.au o tumawag sa Fairwork Infoline sa numerong 13-13-94 para sa libreng payo.

O sa numerong 13-14-50 para sa interpreter.

 

*Hindi tunay na pangalan


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Operators ng food outlet sa Northern Queensland,nahaharap sa patong patong na kaso dahil sa hindi tamang pasweldo | SBS Filipino