Key Points
- Ito ay matapos na maitala sa 8 percent inflation rate nitong Nobyembre, 2022.
- Ang pinaka-malala naman umanong inflation rate ay nuong 1999 na umabot sa 10.7 percent.
- Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, batay sa labor force survey, umakyat sa siyamnapu’t lima punto limang porsiyento (95.5%) ang employment rate sa bansa noong Oktubre
Pinakamaraming nakakuha ng trabaho sa sektor ng wholesale at retail trade, pagawaan ng mga sasakyan, transportasyon at storage, construction, accommodation at food services, at administrative at support services.
Ayon pa sa PSA, balik na rin sa pre-pandemic level ang 4.5 percent na unemployment rate sa bansa nitong Oktubre.