Sinundan ng pananaliksik ang mga natuklasan, mula sa mga iba't-ibang pag-aaral kung saan lumabas na ang paggamit at ang disenyo ng mga digital na teknolohiya ay maari din nagtataguyod ng mga stereotype pagdating sa kasarian.
Ang pananaliksik ay tumingin sa mga adopsyon ng smart home technology sa 31 bahay sa buong Australya.
Ayon kay Professor Yolande Stengers mula sa Faculty ng Information Technology ng Monash University, siniyasat ng interview kung sino ang mga responsable sa pagbuo ng teknolohiya at kung sino ang nangangalaga sa mga trabahong digital sa bahay.
Naghatid ng kasiyahan sa mga bahay ang smart lighting kasabay ng voice activation technology na kadalasan ay pinagkukunan ng libangan.
Nasisiyahan din ang mga kalalakihan sa pagbuo nito, o paglaro sa aparato na nagtataguyod ng tradisyonal na asosasyon sa pagitan ng teknolohiya at pagkalalaki.
Sinabi ni Professor Stengers maari din itong magdulot ng mga abala sa seguridad para sa ilang tao, lalo na sa mga kababaihan.


