Sa unang pagkakataon ay nagsanib pwersa ang dalawang university clubs upang maghatid ng isang online show para sa komunidad.
Layunin nilang maipakilala sa mundo ang talento at kultura ng mga Pilipino.
Highlights
- Nagsanib pwersa ang Filipino Association of Monash ng Australia at Bangor University Filipino Society ng UK para sa isang online show
- Layunin nilang maipakilala sa mundo ang talento at kultura ng mga Pilipino
- Nais din nilang magbigay saya sa mga tao sa gitna ng pandemya
"This event started with a massive brainstorming session. We really wanted something that could connect the two of us together more and bring about a sense of community and connection despite being so far away. A talent showcase came into mind because performing is something that is inherently embedded in the Filipino culture," ayon sa events coordinator ng FAM na si CJ Santos.
Maliban sa pagbida ng kulturang Pinoy, nais din nilang magbigay saya sa mga tao sa gitna ng pandemya.
"We had two main goals in mind. One is to showcase talents and Filipino culture but another being to entertain people this pandemic. With our current climate not being able to leave the house often, I think an event like this is important to not feel isolated and alone and bring the community closer together," dagdag ni CJ.
Bukas ang online show sa sinumang interesadong magpamalas ng kanilang talento at ito ay live sa Facebook sa ika-3 ng Oktubre para sa mga nais manood.



